𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚: 𝐖𝐚𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧

Dahil sa lumalaking interes ng publiko tungkol sa Universal Social Pension, may paglilinaw ang Office of Senior Citizens Affairs (OSCA Muntinlupa City).

Bagamat naaprubahan na ng House of Representatives ang House Bill 10423, hindi pa ito batas. Kailangan pa itong dumaan sa Senado at mapirmahan ng Pangulo bago ito maipatupad.

Sa ngayon, wala pang registration o application para dito, at hindi pa tumatanggap ng registrations ang OSCA. Para maiwasan ang abala, hinihikayat ang lahat na huwag munang pumunta sa OSCA centers para magtanong tungkol dito.

Ano ang pagkakaiba ng kasalukuyang Social Pension at Universal Social Pension?
• 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐑𝐀 𝟗𝟗𝟗𝟒) – Para lamang sa indigent senior citizens, nagbibigay ng ₱500 kada buwan bilang tulong-pinansyal sa mga walang ibang pension o suporta.
• 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐚𝐥 𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐞𝐧𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐇𝐁 𝟏𝟎𝟒𝟐𝟑) – Layunin nitong bigyan ng pension ang lahat ng senior citizens, hindi lang ang indigents. Kung maisabatas, magbibigay ito ng minimum guaranteed income sa lahat ng nakatatanda.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ay patuloy na magbibigay ng tamang impormasyon. Para sa mga official updates, siguraduhin na mula ito sa mapagkakatiwalaang sources.

#Muntinlupa #universalsocialpension #housebill10423