Nag-distribute ng relief packs ang City Government of Muntinlupa led by Mayor Ruffy Biazon, sa 187 families na apektado ng bagyong Enteng na kasalukuyang nasa evacuation center sa Barangay Tunasan, Poblacion, Putatan, Bayanan, Alabang, at Cupang.
Ipinamahagi ang essential food items tulad ng bigas, canned goods, at hot meals.
May ilang pamilya na ang nakauwi sa kani-kanilang tahanan ngunit nananatili pa rin ang pangangailangan sa hygiene kits, damit, diaper, tsinelas at pagkain. Kung nais magpadala ng tulong, makipag-ugnayan lamang sa SSD sa numerong ito: (02) 8861-5814.