Dahil sa inaasahang malakas na ulan at hangin, mahigpit na ipinagbabawal na pumalaot o mangisda ang anumang uri ng sasakyang pandagat para sa kaligtasan ng lahat.
Ang babalang ito ay mula sa Lake Management Office (LMO) bilang paghahanda sa posibleng pinsalang hatid ng masamang panahon.