𝐔𝐍 𝐖𝐨𝐦𝐞𝐧 𝐕𝐢𝐞𝐭𝐧𝐚𝐦 𝐯𝐢𝐬𝐢𝐭𝐬 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐚 𝐂𝐢𝐭𝐲

Bumisita sa Lungsod ng Muntinlupa ang UN Women Viet Nam nitong Martes (September 10) bilang bahagi ng kanilang layunin na itaguyod ang karapatan at proteksyon ng mga kababaihan at bata.

Bukod sa mga talakayan at presentation na nakatuon sa iba’t ibang aspeto ng proteksyon at pagpapalakas ng kababaihan. Inikutan din ng grupo ang mga pasilidad tulad ng Putatan Super Health Center, Women and Children Protection Desk, at Barangay Social Welfare Crisis Unit.

Proud ang mga kinatawan ng Vietnam Women sa achievement ng Muntinlupa at balak nila itong gayahin at ipatupad sa kanilang bansa.

#MuntinlupaNakakaproud