COLEGIO DE MUNTINLUPA ROBOTICS FAIR AND EXHIBITS

Ginanap ang 2nd day ng Robotics Fair and Exhibits na may temang “Innovative Learning Approach, A Sustainable City in Action Through Robotics” ngayong araw, Nov. 24.

Ang programa ay nailunsad sa pamamagitan ng Colegio de Muntinlupa (CDM) at pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, DOST- National Capital Region (DOST-NCR), Schools Division Office-Muntinlupa City (SDO), at De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ).

Ang nasabing 3-day event ay nagsimula noong Nov. 23 at magtatapos sa CDM Campus sa Nov. 25.

Layon ng programang ito na ipakita ang iba't ibang talento at kasanayan sa Agham at Teknolohiya, at pagbibigay ng sustainable solutions patungkol sa mga hinaharap ng ating mundo.

Nagbigay ng mensahe sa programa si Mayor Ruffy Biazon. Ibinahagi niya na importante ang pagbibigay-suporta sa interes ng mga kabataan sa Science & Robotics.

Pagbibida ni 2022 Muntinlupa Robotics Fair and Exhibits Chairperson Engr. Emmanuelle R. Biglete, “It is very timely that an activity such as a robotics fair, be conducted to promote Science and Technology especially in the National Capital Region.”

Ayon sa kanya nabuo ang programa na ito sa pagtutulungan ng iba’t ibang kinatawan “who share the same dream of advancing the role of robotics in building sustainable cities and communities.”

Naroon din sina DOST-NCR OIC Engr. Romelen Tresvalles, Vice Mayor Temy Simundac, Schools Division Superintendent Dr. Carleen Sedilla, Elvin Almazar, Dr. Armida Oblinada, Dr. Genevieve Pillar, Atty. Nemei Santiago, Deputy City Admin Sir RJ Smith, YASDO Head Ms. Cynthia Viacrusis, GAD Head Mr. Reggie V. Salonga, Elvie Tulay, Ramon Estrada, Emman Esteras, Councilor Dado Moldez, MSD Head Mr. Clarence Caballero, Mr. Kim Atienza, at Councilor Jedi Presnedi.

#MuntinlupaNakakaProud
Source: Official FB Page of City government of Muntinlupa