Ang Muntinlupa City Technical Institute o MCTI ay patuloy na tumatanggap ng mga aplikante na nais matuto at mahasa ang kaalaman tungkol sa ilang teknikal at iba pang skills.
Ito ay bukas para sa lahat, residente man o hindi, ng Lungsod ng Muntinlupa!
Para sa mga nais mag-enrol, magtungo lamang sa MCTI Bldg., San Guillermo St., Putatan, Muntinlupa City at ipasa ang mga sumusunod na mga dokumento para sa reservation ng inyong slot:
1. (2pcs) 1x1 picture
2. Kopya ng diploma
3. Kopya ng Birth Certificate
4. Katunayan na kayo ay residente ng Muntinlupa: (Pumili lamang ng isa)
-
- Care Card
- Voter’s ID/stub
- Certification from COMELEC
- Voter's Verification from People’s Coordinating & Monitoring Office (PCMO)
Maaari kayong magpatingin ng inyong urine, x-ray at stool sa inyong barangay health center at ang resulta po nito ay ipapabasa ninyo sa doctor upang mabigyan kayo ng health certificate na nagpapatunay na kayo ay physically fit to study sa kurso na nais ninyong pag-aralan.
Para sa iba pang katanungan, maaari po kayong tumawag sa numero bilang 8821-0701.
Like & follow Muntinlupa City Technical Institute - MCTI for more updates.