Inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang 26 na mga lugar sa bansa under Alert Level 2 Mula April 15 to 30, 2023. Samantala, nanatili sa Alert Level 1 ang Metro Manila na kinabibilangan ng Muntinlupa.
Ayon sa report ng City Health Office-Muntinlupa (CHO), mayroong 11 active COVID-19 cases sa Muntinlupa as of April 24, 2023. Dagdag ng Muntinlupa CHO, bagaman hindi pa gaanong tumataas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, 11 sa mga karatig lungsod natin sa NCR ang nakikitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Patuloy na pinag-iingat ang lahat sa COVID-19. Be an MVP against COVID-19:
- Palagiang magsuot ng MASK.
- Get VACCINATED hanggang 2nd booster.
- I-observe ang PROPER HAND WASHING and DISINFECTION.
Sa laban natin sa COVID-19, ikaw ang MVP!