Ngayong sobrang init ng panahon, dapat mag-ingat para maiwasan ang heat stroke.
Posibleng umabot sa 38°C ang heat index ngayong araw. Kahapon, ayon sa report ng Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management, naitala ang heat index na 42°C sa Muntinlupa na nasa “danger” o mapanganib na lebel.
Matinding pag-iingat ang kailangan dahil pwedeng mag-cause ang ganitong init ng heat cramps at heat exhaustion. Pwede ring humantong sa heat stroke kung hindi maagapan.
Narito ang ilang reminders mula sa ating City Health Office (City Health Office-Muntinlupa):
- Uminom ng maraming tubig araw-araw, kung maaari 8 hanggang 10 baso ng tubig
- Iwasan ang pag-inom ng kape, tsaa, at softdrinks
- Limitahan ang oras na ginugugol sa labas.
- Magsuot ng sumbrero, long-sleeves at panakip na damit kung nasa labas upang maiwasang mabilad sa araw ang inyong balat at katawan.
- Magsagawa ng heavy duty activities sa mas malamig ang panahon, kung maari sa paggising sa umaga o sa dakong pahapon.
I-take note din sa post na ito ang first aid na dapat gawin sakaling maranasan ang heat stroke.
Mag-ingat po ang lahat.