Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa, sa pangunguna ni Mayor Ruffy Biazon, sa pagdiriwang ng ika-66 na taong kaarawan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw, September 13.
Isinagawa ang medical and dental mission sa Southville 3, Brgy. Poblacion upang magbigay ng libreng medical consultation, bunot at linis ng ngipin, bakuna kontra pulmonya para sa mga senior citizens at persons with disability na 5 years old and above, at blood donation sa pamamagitan ng City Health Office-Muntinlupa (CHO).
Kasabay nito, mahigit 2,000 senior citizens ng Brgy. Poblacion ang dumalo sa boodle fight at distribution ng Bayanihang Munti Bags na naglalaman ng corned beef, canned tuna, asukal, oatmeal, at iba pa.
Buong pwersa ang mga kawani ng CHO sa pamumuno ni Dr. Juancho Bunyi, kasama ang mga doctor at nurses ng tanggapan. Gayundin ang pasasalamat sa iba’t ibang tanggapan sa pamahalaang lokal na nakibahagi sa pagdiriwang ngayong araw.
Kasama ni Mayor Biazon sa gawain sina First Lady Ms. Trina Biazon, City Administrator Engr. Allan Cachuela, mga department heads, at mga kawani ng pamahalaang lungsod.