Panunumpa sa Katungkulan ng mga Halal na Opisyales ng Muntinlupa

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ๐ฌ, ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ฅ ๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š

Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa nitong Lunes (June 30) sa City Hall Quadrangle. Pinangunahan ito ni Mayor Ruffy Biazon, na muling nahalal para sa kanyang 2nd term.

Kasama ni Mayor Biazon sa panunumpa sina Congressman Jimmy Fresnedi at Vice Mayor Stephanie Teves-Wong, pati na rin ang mga bagong konsehal mula sa District 1 at District 2.

Sa kanyang mensahe, muling ipinahayag ng Punong-Lungsod ang kanyang panata sa tapat at makataong paglilingkod, habang hinikayat ang mga kapwa opisyal na manatiling bukas sa pakikipag-ugnayan sa mga Muntinlupeรฑo.

Binigyang-diin din ni Mayor Biazon ang kahalagahan ng tapat, masigla, at bukas na serbisyo. Tuloy ang pagtutok sa 7K Agendaโ€”mas bibigyang pansin ang Kalusugan at Karunungan, para sa pagpapahusay ng mga serbisyo.

Mapapanood ang live stream ng panunumpa sa link: https://www.facebook.com/share/v/15562rqacnP/

#Muntinlupa #RuffyBiazon