Naglunsad ang lokal na pamahalaan—through the City Health Office-Muntinlupa—ng programa para sa mga Muntinlupeñong may matinding karamdaman na nangangailangan ng iba’t ibang suporta sa abot ng makakaya.
Ang Palliative Care ay serbisyong medikal para sa may malubha o delikadong karamdaman tulad ng cancer, stroke, organ failure, cerebral palsy, at iba pa.
Nais ng programang ito na mabigyan ng kalidad na buhay ang mga pasyente sa kabila ng pagkakaroon ng malubhang karamdaman.
Narito ang ilan sa mga serbisyong handog ng Palliative Care Network dito sa ating lungsod:
-
- Tele-consultation (by appointment)
- Home care (by appointment)
- Outpatient Consultation and Procedure
- Pain and symptom control
- Wound Care
- Counseling
- Psychosocial support
- Spiritual Care
- Advance Care Planning
- End of Life Care
- Bereavement Care
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng Community-Based Palliative Care Program sa ating mga kababayan dito sa lungsod.
For more information o para sa katanungan, pwedeng i-message ang Palliative Med Muntinlupa.