Congratulations, City Government of Muntinlupa!

Nakamit muli ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang ‘Unmodified Opinion’ ng Commission on Audit (COA) sa isinagawang audit sa mga financial report mula January to December 31, 2023.

Ang unmodified opinion o unqualified opinion ay iginagawad kung napatunayan ng auditor na walang material misstatement ang mga financial reports sa pamamagitan ng tamang financial reporting framework.

Ito ang ikatlong pagkakataon na nakakuha muli ng unmodified opinion ang Pamahalaang Lungsod, na unang nakamit noong 2021.

“Maraming salamat sa lahat ng City Government offices at departments at sa ating City Administrator Engr. Allan A. Cachuela for a job well-done. Nakakaproud,” pagbati ni Mayor Ruffy Biazon.