Libreng Maintenance Medicines para sa Senior Citizens

Sa ating mga lolo at lola, bumibili pa ba kayo ng gamot para sa hypertension at diabetes?

Punta na sa inyong Barangay Health Center at magpa-register para sa libreng supply ng Losartan, Metformin, at Amlodipine tuwing araw ng Lunes, Martes, at Huwebes, 8AM hanggang 5PM; at Miyerkules at Biyernes, 1PM to 5PM.

Dalhin ang mga sumusunod:
• Senior Citizen ID
• Reseta ng Maintenance medicine issued within the last 3 months
• Photocopy ng reseta at Valid ID
• OSCA Medicine Booklet

Available din ang registration forms sa bagong bukas na OSCA satellite office sa South Park Center, Bayanan Baywalk, at Kalingang Munti Action Center (KMAC) sa City Hall, Lunes hanggang Biyernes.

Matapos masagutan ang form ay dalhin ito sa Barangay Health Center. Kinakailangang ang senior citizen mismo ang mag-submit ng form para sa checkup. Sakali naman na bedridden ang senior ay ipaalam ito sa Health worker upang mabisita at ma-checkup sa bahay.