MOA Signing w/ Transport Cooperative

Nag-award ang City Government ng loan assistance worth P300,000 sa Samahan ng Drayber ng Alabang-Sucat (SDAS) Transport Cooperative through a Memorandum of Agreement na pinirmahan natin ngayong araw (May 6).

Under ito ng Cooperative Loan Assistance Program (CLAP)—sa bisa ng City Ordinance 2020-140—kung saan nag-provide ang city government ng zero-interest loan sa nasabing kooperatiba para makapagpondo sila ng kanilang economic activities. In this case, gagamitin nila sa pag-set up ng pagbili ng maintenance supplies for their vehicles at spare part business for members / non-members.

Tulong ito ng city government para sa transport sector dito sa ating lungsod. Maraming salamat sa ating City Cooperative Development Office for this at sa ating Sangguniang Panlungsod.

Una pa lang ito sa several batches ng a-award-an nating mga kooperatiba this year.