NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS | MAY 12, 2025

Sa Lunes, May 12, 2025, na ang 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻! Narito ang oras at lugar ng botohan:
⏰ 5:00AM - 7:00AM - 𝗘𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝗿𝘀 eksklusibo sa mga Senior Citizen, Persons with Disability (PWD) at Buntis na botante. Maaari pa rin silang bumoto hanggang 7:00PM.
⏰ 7:00AM - 7:00PM - 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝗿𝘀 para sa lahat.
𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗟𝗮𝗻𝗲 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝘀 - Para sa mga Senior Citizen, PWD, Indigenous People (IP), Buntis, at Escorted Persons Deprived of Liberty na botante.
𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - Matatagpuan sa ground floor ng Regular Voting Center para sa mga Senior Citizen, PWD at Buntis na botante.
𝗦𝗮𝘁𝗲𝗹𝗹𝗶𝘁𝗲-𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - Matatagpuan sa Assisted Living Facility para sa mga Senior Citizen at PWD.
𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 - Mga itinatag na voting centers na malapit o nasa loob ng komunidad ng mga Indigenous Peoples kung saan maaari silang bumoto.
𝗣𝗗𝗟 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - Matatagpuan sa loob ng mga detention center o jail facility kung saan ang mga Persons Deprived of Liberty.
Alamin kung saan ka boboto gamit ang Precinct Finder: https://precinctfinder.comelec.gov.ph/
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa official website: https://comelec.gov.ph/?r=2025NLE