Kaugnay ng aming advisory na ipinost noong March 28, 2025, patungkol sa prohibitions sa pag-release, disbursement, at expenditures ng public funds para sa mga social services at projects, nais naming ipabatid na ang request for exemption ng Muntinlupa Scholarship Division (MSD) ay na-aprubahan.
Alinsunod dito, pinahihintulutan ang patuloy na disbursement ng ilang educational assistance program para sa mga MSD Beneficiaries.
𝐒𝐀𝐊𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐄𝐌𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍: HELP, ALS, Basic, 10MOST, Excellence, ISKO, ISKOLegio, Priority, SUC, CARES, MCTI, Senior Citizens, Financial Assistance for SPED, at TOPS Incentives.
𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐒𝐀𝐊𝐋𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐄𝐌𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍: ACE Scholarship, EDGE, Law & Medicine, PLMUN Masteral, Research Grants, STARS at iba pang financial assistance.
𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍:
- Para sa College Scholars under BASIC, SUC and CARES programs, mangyaring abangan ang aming susunod na post kaugnay ng inyong disbursement schedule.
- Para naman sa mga HELP beneficiaries, ang disbursement ng inyong educational assistance ay magsisimula pagkatapos ng inilaang Updating Schedule. Ito ay aming ipopost dito sa aming Facebook Page.
- Alinsunod sa Comelec Resolution No. 11118, simula May 02 to 12, 2025, ang pagbibigay ng assistance/ayuda, TUPAD, AKAP, AICS at 4PS ay lubusang ipinagbabawal maliban sa medical and burial assistance na karaniwang ibinibigay sa mga kwalipikadong indibidwal. Dahil dito ang MSD ay pansamantalang ititigil ang disbursement ng educational assistance sa mga nasabing araw at ito ay ilalaan para sa UPDATING OF RECORDS para sa mga learner-beneficiaries mula sa Private Schools.
Para sa mga katanungan, maari po kayong makipag ugnayan sa aming opisina, mag email lamang sa [email protected].
Maraming salamat.