Kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa dahil sa mahusay na pagpapatupad ng fully-automated Electronic Business One-Stop Shop (eBOSS) at pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa publiko.
Tinanggap nina City Administrator Engr. Allan Cachuela at LEIPO Muntinlupa Head Mr. Gary Llamas ang pagkilala kahapon (Oct. 30) kasabay ng Ease of Doing Business Convention sa Sheraton Manila Hotel, Pasay City.
Matagumpay na naisakatuparan ng Pamahalaang Lungsod ang eBOSS na isang dahilan upang maging modelong lungsod ang Muntinlupa na maaaring tularan ng iba pang LGU sa kanilang business permit system ayon sa ARTA.